On Self-Confidence and Shit

Dati lagi akong nagiingat manlait ng tao, kasi naniniwala ako sa kasabihan na kung “ayaw mong gawin sayo, wag mong gawin sa ibang tao”. Pero syempre, ‘pag dating dun sa mga kaclose ko na tao, iba yung pagkakupal ko. πŸ˜€ For me, it was all jokes and stuff. Kumbaga hindi seryoso. Pag maitim ka, may joke ako sayo. Pag maliit ka (kahit maliit din ako), may joke ako para sayo. Pero ginagawa ko lang ito sa mga taong ka-close ko kasi, feeling ko naman hindi sila magagalit. Alam na nila na ganoon kami magusap.

Pero the way media will bombard you with what’s beautiful and what’s not, medyo maniniwala karin sa mga jokes. I think I realized na nakakasakit din siya kahit joke, nung unang beses akong nasaktan. Especially when it comes from family. Parang ‘pag nanay mo lang nanlait sayo, mas masakit diba? πŸ˜€ The moment I seriously reflected on these jokes targeting flaws ay yung nakita ko ang status ng kapatid ko dati. Nilabas nya sa status nya yung mga panlalait at pang “jojoke” sakanya ng mga tao. Either tinatawag syang mataba, or hindi maganda. Tinamaan ako. Kasi isa sa mga phrases na sinulat nya ay galing saakin. Parang may gusto ata syang salihan at sinabi ko “Di ka pwede dun, pang magaganda lang yun”. When I said it, I didn’t think too much about it. It was all a joke to me. But then I realized, coming from a sister, someone who claims na mahal nya ang kapatid nya, I took a jab at my sister’s confidence.

That’s when I realized insults and compliments mean more when it come from the people you love or people who matters to you. That’s when I stopped. Minsan nga lang talaga, ‘di mo maiwasang makipagjoke. Lalo na sa mga kaibigan. Pero just like what I said, sa tuwing may maririnig kang joke about the way you look and you’re being surrounded by photos and videos of seemingly perfect people, unti-unti kang bibigay at maniniwala na siguro nga, in a conventional way, hindi ka maganda. You’re not good enough.

And I know dapat ang self-worth hindi nanggagaling sa ibang tao. Pero iba parin kasi pag ang jab ay nanggaling sa mga taong mahal mo. Parang mas nakakapaniwala, diba? Maybe I’m just being too sensitive pero ito ang realizations ko.

Sometimes people put you down so much, you eventually start to believe them.

Masayang Kalahating Taon!

Kakaaway lang natin kanina, mga 3:30AM siguro. Tanda mo? Galit na galit ka sakin, iyak ako ng iyak. Actually hindi ko na maintindihan yung nangyayare basta iyak lang ako ng iyak at ang alam ko lang, ayoko mawala ka.

Narealize ko yung mali ko. Narealize ko napapagod ka na at konti nalang magsasawa ka na sa mga pagiinarte ko. Mas gugustuhin ko naman na magconcious effort to build on trust kaysa mawala ka sakin. Pero syempre natakot din ako at the same time, bakit ang bilis mo namang magalangan at bumitaw? Naisip ko karma ko siguro yun sa tuwing pag nabibigla din ako, parang gusto ko munang lumayo. Pero deep inside, hindi ko talaga kaya.

Kalahating taon na tayo. Sigurado ako, mas mahal kita kaysa noong una. Kung nung una ngang magulo tayo mahal kita e, ano pa ngayo’t mas masaya na tayo? Diba? πŸ™‚

Sorry kung lagi kita inaaway. Ayokong sisihin na lagi lang akong takot na mawala ka kasi ibig sabihin di kita pinagkakatiwalaan. Pero I will make it a conscious effort Β na bago magsalita at kumilos, magisip muna kung worth the argument ba ang gagawin ko. Sabi nga nila, it’s best to lose the argument than lose the person. Ito ang lagi kong mindset.

Basta tandaan mo, madalas man ako mangaway hindi ibig sabihin nun pinaghihinalaan kita, or gusto kong bumitaw. Minsan nagiinarte at nagpapalambing lang ako hahaha πŸ˜€ Kalahating taon na tayo o, konti nalang, medyo forever na hahahaha korni ko. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sakin ngayong taong ito. Hindi yung promotion ko, hindi yung nakapag-bakasyon ako ng libre sa Bohol, kung hindi ikaw. At sa tuwing pinapakilig mo at nagiging sweet ka sakin, sa personal, sa text or sa Facebook, sana alam mo na super naappreciate ko yun. Ang sarap sa pakiramdam na pinagmamalaki mo ko kahit sa ibang tao. Hindi lang ako ganoon ka expressive pero yung kilig ko abot universe.

Full of challenges tayo these past few weeks. Yung relasyon natin sa magulang ko, yung relasyon natin. Pero dapat going strong. Diba, all relationships go through hell, but only the real ones get through it? Diba real tayo?

Sabi mo nga, matuto tayo sa mga pagkakamali natin.

Happy 6th to us Mers πŸ™‚ I love you to infinity and beyond. πŸ˜€ Hindi ko alam kung paano ko pa sasabihin sayo na mahal kita na mas matindi kaso may limits ang mga salita. Pero sana ramdam mo kahit sa mga maliliit na bagay na ginagawa ko. πŸ™‚

Mababasa mo pa to sa Monday pero okay lang. Mas ramdam ko ‘to ngayon. Walang iwanan okay? I don’t care kung may mga oras na magiging mahirap ito. Ang importante kasama kita. At di ako nagpapaka-korni, totoo yan. πŸ™‚ Every word of it.

I love you,

Arra

Stop Victim-Blaming

rape

I don’t care if you’re a girl or a boy, if you think of it this way, I assure you that I no longer trust you. Sinisigurado ko sayo na habang may taong nakadamit ng sexy, o kumikilos ng mapangahas, pinagiisipan na kita na kaya mong gumawa ng masama dahil ganyan ang takbo ng utak mo. Kung kaya mong gawan ng rason ang pangrerape, at tingin mo kasalanan yun ng biktima, you’re one step away from the crime. Kahit kailan hindi naging kasalanan ng biktima kung bakit sila ginagahasa. Ito ang isa sa dahilan kung bakit takot ang mga tao na magreport ng rape. Sa mata ng ibang tao, kasalanan nila ang nangyari sakanila. Hindi ka ba natatakot sa sarili mo na ganyan ka magisip? Na binibigyan mo ng dahilan ang rapist dahil sinasabi mong nasa pananamit at kilos ng biktima ang rason kung bakit sila ginahasa? Hindi porket nakipaginuman sya sayo na nakasexy sya ng damit ay binibigyan ka nya ng consent na halayin sya. Bukod sa feeling mo super gwapo Β ka, may problema sa pagiisip ang utak mo. Ito ang sasabihin ko sayo: Kung tingin mo ang pananamit at pagkilos ay matinding dahilan para sayo para manggahasa, oras na para suriin mo ang sarili mo.

I have nothing but disrespect for this kind of people. Sorry, not sorry.

*Sorry paikot ikot yung thoughts ko at ang gulo-gulo. Mahirap magsulat ng ganitong oras. Lalo na medyo puno ka ng emosyon. πŸ˜€ It’s 5AM and I’m not happy.