Through thick and thicker..

It’s been 14 months and we’ve got more years to go. Tayo lang ata ang couple na hindi naniniwala sa forever, kasi alam nating hindi tayo immortal at always and lifetime lang mapapangako natin sa isa’t isa ^_^

Akala mo lang hindi ako excited sa monthsary natin kasi tinotopak nanaman recently ang magaling mong girlfriend. Pero subukan mo buksan ang twitter mo, nagbibilang ako ng mga araw doon. Hahahaha! I love you memey. Hindi nila magauge kung gaano kita kamahal, pero ang importante, ikaw alam mo. Alam mo ang capacity ng love ko hahahaha

These past few months have been hard. We’ve been struggling, we’re hitting rough patches, and we’ve got a lot of personal issues. I’m proud that we’re becoming more mature with our relationship. Pero syempre, minsan hindi parin natin maiwasan ang sumabog. But I’m always glad that at the end of the day, we keep coming back to each other. And that I think, is what is more imporant. Ramdam na ramdam kong ayaw mo ako mawala. Ako pa ba e sobrang swerte mo na sakin? Charaughts hahahaha

dda6e8dbffad9171513ca34d0c0097b4

Basta, please hold on to my promise. Sa lahat ng promise ko, yung hindi kita ibbully lang lang naman yung hindi ko natupad. Kasi ikaw talaga ang perfect person to bully. I love you so much memey. Wag mo na masyado intindihin yung gf mo ngayon, kasi magkakadalaw na. -_- Sorry.

And I swear, that all your hardwork is being appreciated. Minsan nahihirapan lang ako ilet go yung mga nangyari, but I’m trying my best. Conscious effort as always.

Sana.. in the future, maging ganito ako sayo…

love-quotes-about-love

Happy 14th monthsary saating dalawa. Happy birthday din Benjie Belza! Sana masaya ka kung nasan ka man. At mag enjoy ka sa birthday mo. 🙂

Basta tandaan mo lang, na mahal na mahal kita. At hindi yung mga ganoon pangyayari ang makakatinag saatin. 🙂 Yung di mo lang pagligo araw-araw. Please lang.

On Self-Confidence and Shit

Dati lagi akong nagiingat manlait ng tao, kasi naniniwala ako sa kasabihan na kung “ayaw mong gawin sayo, wag mong gawin sa ibang tao”. Pero syempre, ‘pag dating dun sa mga kaclose ko na tao, iba yung pagkakupal ko. 😀 For me, it was all jokes and stuff. Kumbaga hindi seryoso. Pag maitim ka, may joke ako sayo. Pag maliit ka (kahit maliit din ako), may joke ako para sayo. Pero ginagawa ko lang ito sa mga taong ka-close ko kasi, feeling ko naman hindi sila magagalit. Alam na nila na ganoon kami magusap.

Pero the way media will bombard you with what’s beautiful and what’s not, medyo maniniwala karin sa mga jokes. I think I realized na nakakasakit din siya kahit joke, nung unang beses akong nasaktan. Especially when it comes from family. Parang ‘pag nanay mo lang nanlait sayo, mas masakit diba? 😀 The moment I seriously reflected on these jokes targeting flaws ay yung nakita ko ang status ng kapatid ko dati. Nilabas nya sa status nya yung mga panlalait at pang “jojoke” sakanya ng mga tao. Either tinatawag syang mataba, or hindi maganda. Tinamaan ako. Kasi isa sa mga phrases na sinulat nya ay galing saakin. Parang may gusto ata syang salihan at sinabi ko “Di ka pwede dun, pang magaganda lang yun”. When I said it, I didn’t think too much about it. It was all a joke to me. But then I realized, coming from a sister, someone who claims na mahal nya ang kapatid nya, I took a jab at my sister’s confidence.

That’s when I realized insults and compliments mean more when it come from the people you love or people who matters to you. That’s when I stopped. Minsan nga lang talaga, ‘di mo maiwasang makipagjoke. Lalo na sa mga kaibigan. Pero just like what I said, sa tuwing may maririnig kang joke about the way you look and you’re being surrounded by photos and videos of seemingly perfect people, unti-unti kang bibigay at maniniwala na siguro nga, in a conventional way, hindi ka maganda. You’re not good enough.

And I know dapat ang self-worth hindi nanggagaling sa ibang tao. Pero iba parin kasi pag ang jab ay nanggaling sa mga taong mahal mo. Parang mas nakakapaniwala, diba? Maybe I’m just being too sensitive pero ito ang realizations ko.

Sometimes people put you down so much, you eventually start to believe them.

Stop Victim-Blaming

rape

I don’t care if you’re a girl or a boy, if you think of it this way, I assure you that I no longer trust you. Sinisigurado ko sayo na habang may taong nakadamit ng sexy, o kumikilos ng mapangahas, pinagiisipan na kita na kaya mong gumawa ng masama dahil ganyan ang takbo ng utak mo. Kung kaya mong gawan ng rason ang pangrerape, at tingin mo kasalanan yun ng biktima, you’re one step away from the crime. Kahit kailan hindi naging kasalanan ng biktima kung bakit sila ginagahasa. Ito ang isa sa dahilan kung bakit takot ang mga tao na magreport ng rape. Sa mata ng ibang tao, kasalanan nila ang nangyari sakanila. Hindi ka ba natatakot sa sarili mo na ganyan ka magisip? Na binibigyan mo ng dahilan ang rapist dahil sinasabi mong nasa pananamit at kilos ng biktima ang rason kung bakit sila ginahasa? Hindi porket nakipaginuman sya sayo na nakasexy sya ng damit ay binibigyan ka nya ng consent na halayin sya. Bukod sa feeling mo super gwapo  ka, may problema sa pagiisip ang utak mo. Ito ang sasabihin ko sayo: Kung tingin mo ang pananamit at pagkilos ay matinding dahilan para sayo para manggahasa, oras na para suriin mo ang sarili mo.

I have nothing but disrespect for this kind of people. Sorry, not sorry.

*Sorry paikot ikot yung thoughts ko at ang gulo-gulo. Mahirap magsulat ng ganitong oras. Lalo na medyo puno ka ng emosyon. 😀 It’s 5AM and I’m not happy.