Stop Victim-Blaming

rape

I don’t care if you’re a girl or a boy, if you think of it this way, I assure you that I no longer trust you. Sinisigurado ko sayo na habang may taong nakadamit ng sexy, o kumikilos ng mapangahas, pinagiisipan na kita na kaya mong gumawa ng masama dahil ganyan ang takbo ng utak mo. Kung kaya mong gawan ng rason ang pangrerape, at tingin mo kasalanan yun ng biktima, you’re one step away from the crime. Kahit kailan hindi naging kasalanan ng biktima kung bakit sila ginagahasa. Ito ang isa sa dahilan kung bakit takot ang mga tao na magreport ng rape. Sa mata ng ibang tao, kasalanan nila ang nangyari sakanila. Hindi ka ba natatakot sa sarili mo na ganyan ka magisip? Na binibigyan mo ng dahilan ang rapist dahil sinasabi mong nasa pananamit at kilos ng biktima ang rason kung bakit sila ginahasa? Hindi porket nakipaginuman sya sayo na nakasexy sya ng damit ay binibigyan ka nya ng consent na halayin sya. Bukod sa feeling mo super gwapo  ka, may problema sa pagiisip ang utak mo. Ito ang sasabihin ko sayo: Kung tingin mo ang pananamit at pagkilos ay matinding dahilan para sayo para manggahasa, oras na para suriin mo ang sarili mo.

I have nothing but disrespect for this kind of people. Sorry, not sorry.

*Sorry paikot ikot yung thoughts ko at ang gulo-gulo. Mahirap magsulat ng ganitong oras. Lalo na medyo puno ka ng emosyon. 😀 It’s 5AM and I’m not happy.